Muling nagpahayag ng suporta ang Partido Demokratiko Pilipino kay Vice President Sara Duterte kasunod ng mga inihaing impeachment complaint laban sa kanya.
Nakapaloob sa manifesto na kinokondena rin ng partido ang impeachment efforts laban kay VP Sara at iginiit na wala itong basehan at ‘politically motivated.’
Binigyang diin pa ng PDP na nagpapakita rin ito ng pag-abuso sa constitutional mechanisms.
Nanindigan din ang partido na ang impeachment ay bahagi ng serye ng mga pag-atake, na naglalayong sirain ang pamumuno at tiwala ng publiko kay VP Sara.