Binabantayan na ng PDRRMC o Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng Pangasinan ang posibleng pagtaas ng tubig sa mga ilog sa lalawigan.
Ayon kay Col. Popoy Oro, Hepe ng PDRRMC ng Pangasinan, magdamag na bumuhos ang ulan sa lalawigan at posibleng magpatuloy pa ito sa araw na ito batay na rin sa advisory ng PAGASA.
Sinuspindi na ni Pangasinan Governor Amado Espino Jr., ang klase sa pre-school at elementarya sa araw na ito.
Una rito, dalawa ang naitalang patay ng PDRRMC nang manalasa sa Norte ang bagyong Falcon.
Class suspensions
Suspendido ang klase mula pre-school hanggang elementarya sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ang inihayag ni Pangasinan Governor Amado Espino sa kaniyang official Facebook account batay na rin sa ipinalabas na monsoon advisory ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Inihayag pa ni Espino sa kaniyang post na layon ng kanselasyon ng klase na maiiwas ang mga kabataan mula sa sakit na dulot ng pagbaha na dala ng pag-ulan
Gayunman, ipinauubaya na ng gobernador ang kanselasyon ng klase sa highschool, kolehiyo at unibersidad depende sa nararanasang sitwasyon sa kanilang mga lugar.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Jaymark Dagala