Patuloy ang isinasagawang assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Sorsogon sa mga tinamong pinsala ng lalawigan sa paghagupit ng bagyong Tisoy.
Ayon kay Sorsogon PRRMO Chief Engineer Raden Dimaano, alas diyes pa lamang kagabi naramdaman na nila ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan bago pa man mag-landfall ang bagyong Tisoy, alas onse kagabi.
Sinabi ni Dimaano, sa kasalukuyan ay wala pa ring suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan bagama’t hindi naman aniya gaanong naapektuhan ang linya ng komunikasyon.
Dagdag ni Dimaano, maaga ring nagsawaga ng clearing operations ang PDRRMO Sorsogon sa mga kalsadang posibleng naharangan ng mga gumuhong lupa, natumbang puno at iba pang mga bagay na nilipad ng malakas na hangin.
Makakuha ng report ngayon agad-agad tapos yung communication line namin and the road para mapasok kaagad para kapag yung may emergency mas madali,” ani Dimaano.
Samantala, inilakas rin aniya sa pinakamalapit na eskwelahan na ginamit bilang evacuation centers ang mga na-istranded na pasahero sa matnog Sorsogon port na patungong Visayas.
Yung mga ano ng mga bus at truck yung mga tao dun ay inilikas sila sa pinakamalapit na school so, nandun pa din sila pero yung mga tao saka passengers nandun sa mga schools. Nung nagkaroon ng tropical wind signal number hindi na sila makatawid,” ani Dimaano. — sa panayam ng Ratsada Balita.