Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na sa kanyang edad na 77 ay hirap na siya sa pagbabasa.
Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa National Academy of Sports sa New Clark City sa Capas, Tarlac, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya matiyak kung makababasa pa siya sa mga susunod na panahon.
Magugunitang inamin noon ng Punong Ehekutibo na mayroon siyang Neuromuscular Disease na Myasthenia Gravis at Barrett Esophagus dahil sa kanyang pag-inom noon ng alak.