Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya nang ipangakong tatapusin ang problema sa iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ng kanyang termino.
Sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway Project sa Cordova, Cebu, inihayag ni Pangulong Duterte na napagtanto niyang mahirap sugpuin ang droga simula nang mahalal na presidente noong 2016.
Gayunman, lalo anyang naging mahirap ang giyera kontra droga nang madiskubre niyang may mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa illegal drugs trade.