Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng South Luzon Expressway (SLEX) Elevated Extension Project sa Alabang, Muntinlupa City.
Ayon sa Pangulo, welcome sa pamahalaan ang proyekto sa panahong nagsisimula na ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa kahit may COVID-19 pandemic.
Bukod kay Pangulong Duterte, dumalorin sa inagurasyon ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at San Miguel Corporation sa pangunguna ng President and CEO nitong si Ramon Ang.
Ang SLEX Elevated Extension na nagkakahalaga ng 14 billion pesos ay Four-Lane Toll Expressway ay inaasahang magdudulot ng maluwag na daloy ng trapiko sa Metro Manila at mga karatig- lalawigan. —sa panulat ni Mara Valle