Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtuturo sa Davao City sa oras na matapos ang kanyang termino sa June 30.
Ibinunyag ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa katatapos lamang na Duterte Legacy Event sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, kahapon.
Ayon kay Medialdea, hindi pa niya mabatid kung saang paaralan at anong subject ang ituturo ni Pangulong Duterte.
Sa katunayan anya ay patapos na mag-impake ang punong ehekutibo na noon pang Pebrero o Marso niya sinimulan.
Sa kabila ng mga lumulutang na balitang bukas ang susunod na administrasyon na bigyan ng pwesto ang outgoing president, wala pang pormal na alok kay Pangulong Digong na maging Anti-drug czar sa ilalim ng Marcos Administration.
Aminado naman si Medialdea na hindi pa niya matiyak kung tatanggapin o hindi ni Presidente Duterte ang nasabing alok.