Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sumunod sa minimum public health standards, lalo sa araw ng halalan sa Mayo 9 upang maiwasan ang panibagong COVID-19 surge.
Ito ang apela ni Pangulong Duterte matapos ang banta ng OCTA Research Group na maaaring sumirit muli sa 5,000 hanggang 10,000 ang daily COVID-19 cases sa oras na pumasok ang mga Omicron sub-variant sa bansa.
Sa kanyang Talk to the People kahapon, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng pagsusuot ng facemask, tamang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng social distancing.
Mahalaga anyang para sa mga Filipino ang pagsunod sa mga protol at iwasan ang pagiging kampante lalo’t hindi pa tuluyang nawawala ang banta ng pandemya.