Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mag-e-endorso ng sinumang presidential candidate sa May 9 elections.
Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na ayaw niyang isipin ng mga tao na ginagamit niya ang pondo ng gobyerno upang i -kampanya ang kanyang kandidato.
Ayon sa Punong Ehekutibo, wala siyang pinapanigan sa sinumang presidential candidate upang maiwasan ang mga pagdududa.