Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanyang administrasyon.
Ayon sa punong ehekutibo, nasa huling yugto na siya ng kanyang panunungkulan sa bansa kaya’t pinasasalamatan niya ang mga taong nagtiwala sa kanya.
Maging ang mga nagluklok sa kanya sa pwesto at umunawa sa kanyang hangarin ay kanyang pinasalamatan.
Mababatid na sa Hunyo 30 nakatakdang bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte.