Aminado ang Malakanyang na nais sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa lamay ni dating Pangulong Noynoy Aquino, noong isang linggo.
Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang hanapin ng publiko si Pangulong Duterte sa burol o libing ni Aquino.
Ayon kay Roque, naging abala ang punong ehekutibo sa pulong nito sa mga opisyal ng Bangsamoro noong huwebes kaya’t hindi nakapunta sa burol.
Kahit naman anya nagmula sa magkaibang partido ay itinuturing pa ring kaibigan ni presidente duterte ang dating pangulo.
“Tinigil na nga nya yung ang aming discussion at 11pm kasi sabi niya gusto niyang pumunta doon sa lamay ni dating Presidente Noynoy Aquino sinabi pa niya in public Noynoy was a friend not a close friend but a friend I supported him in the 2010 elections ah pero hindi ko sinuportahan yung kanyang successor, so he wanted to go but he was informed that the urn of the former President had already ah been moved to private residence in Times, hindi na po nakapunta doon si Presidente.” ani Roque.