Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ng patas at mapayapang halalan sa huling taon ng kanyang termino.
Ayon kay Pangulong Duterte, inatasan niya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na tiyaking magiging malaya, maayos at mapayapa ang halalan sa Mayo.
Samantala, pinaalalahanan ng pangulo ang mga otoridad na nagpapatupad ng batas na itaguyod ang saligang batas sa panahon ng halalan.
Matatandaang, sinabi ni Duterte na makikipag-ugnayan siya sa militar para tiyaking mananaig ang Rule of Law sa Mayo a-9 Polls. —sa panulat ni Kim Gomez