Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nababahala siya para sa mga komunidad sa mindanao na tumatanggi pa ring magpabakuna kontra COVID-19.
Sa kanyang Talk To the People kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na karamihan sa mga ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine ay muslim, dahil na rin sa kanilang mga paniniwala kaya’t hindi sila mapipilit.
Nakarating anya sa kanya ang impormasyon matapos marinig o mapanood ang ilang balita hinggil sa mga miyembro ng muslim community na hindi pinasasakay ng barko dahil hindi bakunado.