Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX).
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Duterte sa Metro Pacific Tollways Corporation, Cebu-Cordova Link Expressway Corporation at mga local government ng Cebu City at Cordova sa pagtatapos ng konstruksyon ng naturang proyekto.
Ang CCLEX ay 8.5-kilometer toll bridge na nagdurugtong sa Cebu City sa bayan ng Cordova sa Mactan Island at nagkakahalaga ng 30 billion pesos.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mahabang tulay sa bansa na ipinatayo upang ma-solusyon ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Cebu.