Pinapurihan ng ilang transport groups sina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program at Libreng Sakay Program.
Pinangunahan ni Atty. Vigor Mendoza, Chairman at Pangulo ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) at fleet operator ng beep jeep ang paglagda ng mga grupo ng transportasyon sa isang liham ng pagsasalamat sa administrasyon.
Kumbinsido ang halos 50 Metro Manila Transport Group Leaders na ang matatag na political will ng pangulo at ng DOTr ang naging susi sa matagumpay na Modernization at Libreng Sakay.
Dahil anila sa mga programang ito ay napaganda ang kanilang serbisyo sa mga pasahero, partikular ang pagtiyak na air conditioned ang mga sasakyan at mas disiplinadong driver.
Umaasa naman ang transport groups na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang PUJ Modernization at Libreng Sakay dahil marami pang dapat ayusin upang mahikayat pa ang publiko na tangkilikin ang mga programa.