Posibleng dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na si Vice President Elect Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa isang source ng palasyo tentative pa o wala pa itong katiyakan.
Sa ngayon ay wala pang coordination meeting hinggil dito ngunit agad namang isasapubliko kung mayroon nang sagot ang punong ehekutibo.
Samantala, nakatakdang manumpa ang presidential daughter bilang Incoming Vice President sa June 19, na gaganapin sa lungsod ng Davao.