Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga barangay Chairmen ang pagpigil sa mga hindi bakunado kontra COVID-19 na lumabas ng kanilang bahay dahil sa panibagong surge ng naturang sakit.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ding tukuyin ng mga kapitan ang mga unvaccinated individual sa kanilang mga komunidad.
Ipinunto ni Duterte na bilang Pangulo ay responsable siya sa kaligtasan at kalusugan ng mga Filipino.
Nilinaw ng Pangulo na hindi naman agad aarestuhin ang sinumang mahuhuling unvaccinated na gumagala sa labas ng bahay maliban na lamang kung talagang magmamatigas ito.