Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatangunin, nais niyang kausapin ang sinumang susunod na presidente at talakayin ang issue ng illegal drugs.
Reaksyon ito ng pangulo sa pagkakasabat ng mga otoridad sa mahigit 11 bilyong pisong halaga ng shabu sa Quezon Province.
Inamin ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People na nais niyang ipagpatuloy ng mananalong presidente ang sinimulang war on drugs ng kanyang administrasyon.
Ayon sa punong ehekutibo, mas maraming filipino ang maaapektuhan kung makararating sa street level ang iligal na droga.