Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na sadyang mahirap pamunuan ang isang demokratikong gobyerno gaya ng sa Pilipinas.
Sa kanyang pagharap sa mga pulis, sundalo at jail officer sa Davao City, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na kadalasang inaabuso ng mga mapagsamantalang indibidwal ang demokrasya partikular ang ilang constitutional safeguards laban sa human rights abuse.
Samantala, ipinag-utos naman ng Pangulo sa mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel na huwag sagutin ang mga ikinakasang tanong United Nations Special Rapporteurs na magsasagawa ng review sa human rights situation sa bansa.
Iginiit ng punong ehekutibo na walang karapatan ang mga dayuhan na manghimasok sa sistema ng pamamalakad sa bansa.
RPE