May positibong idinulot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang political dynasty sa kabila ng negatibong pananaw ng maraming Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa 13th Filipina Entrepreneurship Summit sa World Trade Center, Pasay City, aminado si Pangulong Duterte na malaki ang naging papel ng kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte upang makamit ang pinaka-mataas na government position.
Isa aniya si Mayor Sara sa mga nanghikayat sa kanya na kumandidato sa pagka-Pangulo at siya na ang bahala sa Davao City.
Gayunman, kuntento naman ang Pangulo sa ginagawang pagpapatakbo ngayon ni Mayor Inday dahil maayos aniya ang lungsod, walang problema sa iligal na droga at walang mangahas na manggulo.
“Nagkaroon ako ng anak na sus maryosep, inday, bantay kay inday nambubugbog talaga yan, but she’s running the show very well, she was able to maintain the momentum sa Davao, all of you I’m sure have been there, walang droga, malinis, nobody messes you up kasi nga nasanay and it took me about 22 years to craft what Davao is today, I am just lucky na, I agree with you that dynasties are bad but sometimes it could be for the better, kasi kung hindi tumakbo yang si Inday, actually I would not be in front of you right now”.
RPE