Ayaw umano ng mahabang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang iginiit ni Presidental Spokesman Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na maaaring mapalawig ang termino ng Pangulo habang nasa ‘transitory period’ sakaling maisulong na ang pederalismo.
Ayon kay Roque, dati nang ipinahayag ni Pangulong Duterte na kung siya lang ang masusunod ay mas nanaiisin niyang tapusin ang termino ng hanggang tatlong (3) taon lamang.
Sinagot din ng tagapagsalita ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng walang maganap na eleksyon sa 2019 kung sakaling matuloy ang isinusulong na pederalismo.
Sinabi ni Roque na tungkulin ni Pangulong Duterte na ipatupad ang konstitusyon at hangga’t hindi naamyendahan ang batas kaugnay sa eleksyon walang dahilan para ipagpaliban ito.