Bigong bumoto si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang barangay at Sangguniang Kabataan elections matapos ang limang taon.
Ito ang kinumpirma mismo ni Special Assistant to the President Bong Go sa media bagama’t wala siyang binanggit na anumang dahilan sa hindi pagboto ng Pangulo.
Una nang inilabas ng pamunuan ng Daniel Aguinaldo High School sa Davao City ang upuan na ginamit ng Pangulo noong nakaraang presidential election na kanilang tinawag na “seat of victory” para sa inaasahan sanang pagboto nito.
Samantala, pasado alas-10:00 naman ng aumaga nang bumoto si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang anak na si Tricia sa Tabuco Elementary School sa Naga City.
Kasabay nito, ikinadismaya naman ni Robredo ang kakaunting botante na kanyang naabutan sa loob ng nasabing paaralan.
Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo, kanyang ikinalulungkot na kakaunti na lamang ang interesadong bumoto lalu na ang mga kabataan sa barangay at SK elections.
—-