Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong at China sa susunod na linggo.
Dadalo ang Pangulo sa Boao Forum for Asia sa Hainan Province mula Abril 9 hanggang 10.
Dito ay inaasahang makakasama ng Pangulo iba pang mga world leaders at mga eksperto sa governance, economics, trade and industry at iba pa.
Abril 11 pagkatapos ng forum ay didiretso naman ang Pangulo sa Hong Kong para kumustahin ang kalagayan ng mga libo-libong mga Overseas Filipino Workers (OFW) doon.
Itinalaga naman ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea para pangunahan ang Office of the President at buong executive department habang siya ay nasa ibayong dagat.
—-