Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga retirado at batikang police officers sa kanyang binuong special team na magtuturo sa mga pulis kung paano labanan ang hit squad ng New People’s Army (NPA) na “SPARU” o Special Partisan Unit.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa , nagsimula nang mag – ikot sa buong bansa ang mga naturang opisyal para sanayin ang mga batang pulis sa pakikipaglaban sa “SPARU”
Aminado si Dela Rosa na lumakas ang opensiba ng SPARU simula nang kanselahin ni Pangulong Duterte ang peacetalks sa CPP – NPA.
Batay sa tala ng PNP aabot na sa 65 ang napapatay ng SPARU na mga pulis, sundalo at sibilyan simula noong 2017.
-Jonathan Andal