Pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon muna ng “Moratorium” o pagtigil sa pagkomento kaugnay sa simbahan.
Ito ang napagkasunduan ng Pangulo at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Romulo Valles sa kanilang 30 minutong pagpupulong kahapon sa Malakanyang.
Batay sa mga larawang ipinost ni Special Assistant Secretary Bong Go, ay makikitang magiliw na tinanggap ni Pangulong Duterte si Archbishop Valles.
Samantala, una rito , naglabas ng pastoral letter ang CBCP sa harap ng mga pag – atake sa Simbahang Katolika , sunud – sunod na patayan at iba pang kaguluhan sa bansa.
Hinihikayat ng pastoral letter ang mga mananampalataya na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan para sa lahat.
Sinabi din ng CBCP na hindi na rin bago ang mga sakripisyo para sa kabutihan ng lahat tulad na lamang ng mga paring pinapatay, mga modernong propeta at pinapatahimik o inaalipustang public servants.