Binigyang – diin ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na hindi na kailangang hikayatin o kumbinsihin pa ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng revolutionary government.
Ito ay sa kabila ng pag – alma ng mga kritiko ng gobyerno sa isinusulong ng mga taga – suporta ni Pangulong Duterte na isailalim ang bansa sa nabanggit na uri ng pamahalaan.
Giit ni Panelo, malinaw na nakasaad sa saligang batas na binigyang kapangyarihan ang isang Pangulo na pagsilbihan at bigyang proteksyon ang taumbayan.
Gayunman nilinaw ni Panelo na hindi pa kinakailangan ng Punong Ehekutibo na mag – deklara ng revolutionary government dahil nasa maayos pa ang kalagayan ng buong bansa.