Hindi umano kailangan humingi ng patawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa hiling ni Evangelical Leader Brother Eddie Villanueva.
Naniniwala umano si Roque na ang kaniyang kilalang Diyos ay hindi hihilingin na humingi ng public apology ang Pangulo bagkus ay siya umano ay isang Panginoon na puno ng pagmamahal.
“I seem to have an honest difference in opinion now with Bro. Eddie (Villanueva), because the God that I know would not demand a public apology.”
“The God I know is a god of love. And He is too big for any words that may come from the mouth of a mortal.” Pahayag ni Roque
Una rito ay ibinabala ni Brother Eddie Villanueva ng Jesus is Lord ang mga trahedya na puwedeng harapin ng Pilipinas kung magpapatuloy ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pangungutya sa Panginoong Diyos.
Ayon kay Villanueva, kapag nilalapastangan ang Panginoon ay para na ring isinumpa ang buong bansa.
Nasasaad aniya sa Bibliya na matinding galit ng Diyos ang naghihintay sa mga bansang punong-puno ng blasphemies o paglapastangan sa pangalan ng Diyos, pagpatay, adulteries, imoralidad at iba pa.
Dahil dito, hindi aniya malayong bumisita sa ating bansa ang iba’t ibang klase ng sumpa, mga kalamidad at iba pa na magdadala ng matinding dusa sa ating bansa.
Gayunman, sinabi ni Villanueva na naaawa siya kay Pangulong Duterte dahil naasaad sa Bibliya na sinuman ang nananatiling matigas sa kabila ng napakaraming pagpuna sa kanyang kamalian ay bigla na lamang mawawasak hanggang sa puntong hindi na ito puwedeng sagipin o ayusin pa.
Binigyang diin ni Villanueva na nangangailangan ng matinding counselling sa ngayon ang Pangulo at matinding dasal para siya ay sagipin.
—-