Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni dating National Security Adviser at Parañaque Representative Roilo Golez kaninang madaling araw.
Pasado alas-1:45 kaninang madaling nang dumating si Pangulong Duterte sa chapel ng Heritage Park sa Taguig City kasama si Special Assistant to the President Bong Go.
Naging pribado naman ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa burol kung saan humiling ito na personal na maka-usap ang mga kaanak at kaibigan ng yumaong dating kongresista.
Samantala, nakatakda namang ilipat ang labi ni Golez sa Manila Memorial Park sa Parañaque City para sa public viewing.
—-