Muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan ng Pilipinas sa pagtanggap sa mga Rohingya Muslim Refugee mula Myanmar.
Ito, ayon kay Pangulong Duterte, ay bunsod ng nagaganap na “genocide” o maramihang pagpatay at military crackdown ng Myanmar laban sa mga ethnic Rohingya simula pa noong Agosto.
Tinaya ng United Nations sa 700,000 katao na karamiha’y Rohingya ang tumakas ng Myanmar patungong Bangladesh bilang bahagi umano ng operasyon laban sa mga terorista.
Gayunman, may kondisyon ang punong ehekutibo sa pagtulong sa mga refugee.