Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga kritikong gustong makipag-giyera sa China na pumunta sa West Philippine Sea.
Ito’y matapos igiit ng oposisyon na dapat nagpunta si Pangulong Duterte sa nabanggit na isla sa halip na sa Benham Rise o Philippine Rise dahil wala naman umanong banta ng pananakop sa naturang teritoryo.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang balak maghamon ng away laban sa China dahil alam niya ang kapasidad ng naturang bansa pagdating sa pakikipag-giyera.
“There is an airport. There are missiles there installed. There are military equipment already in place. So what’s the point of questioning whether the planes land there or not? There’s an airstrip.”
“Gusto mo giyerahin? Sino ba may gusto? Kasi, sige, payag ako. I can declare war on China tonight but sino ang magpunta? Sundalo ko? Pulis ko? Mamatay lang lahat ‘yan. Why will I go to war for a battle that I cannot win? Para akong gago.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Gayunman handa umano siyang samahan ang mga ito papunta sa pinag-aagawang teritoryo ngunit pagdating sa isla ay iiwanan niya ang mga ito
“So sino ‘yung mga gustong pumunta doon ngayon. Okay man ako. We will declare war against China. Provided ‘yung mga ugok, ‘yung maingay mauna sila. Nandiyan ako sa likod nila. Pagdating doon iwanan ko sila. Bahala kayo, eh kayo ‘yung gusto makipag away.” Dagdag ng Pangulong Duterte
Giit pa ng Pangulo, na dapat ang hinamon nilang kumilos noon ay ang nakaraang administrasyon kasama ang Amerika.
—-