Hinimok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na ituloy ang laban ni Gat Andres Bonifacio.
Sa kanyang mensahe para sa ika – 154 na kaarawan ni Bonifacio, sinabi ng Pangulo na tungkulin ng lahat bilang mga tagapag – mana ng rebolusyon ni Bonifacio na isabuhay ang lahat ng kanyang adhikain at himukin ang pagsibol ng pangkalahatang kamalayan at pagmamahal sa bayan.
Ayon sa Pangulo, mahalagang maging masigasig ang bawat Pilipino sa pagpapatatag ng bansa upang makalaya ang lahat sa kuko ng katiwalian, kriminalidad, iligal na droga, at banta ng karahasan.
Hinikayat ng Pangulo ang lahat ng Pilipino na panatilihin ang pag – alab ng sulo ng pagbabago na siyang magdadala ng tunay at makabuluhang pagsulong ng bansa.
READ: Bonifacio Day Message of President Rodrigo Roa Duterte pic.twitter.com/XG7yIKAYjP
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 30, 2017