Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang South Korea na mag – negosyo sa Pilipinas.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-in, ipinagmalaki ng Punong Ehekutibo na magandang lugar ang Pilipinas sa pagne – negosyo sa larangan ng manufacturing, automotive, food production, processing, agribusiness, electronics at energy.
Nangako naman ang dalawang lider na paigtingin pa ang relasyon ng Pilipinas at South Korea maging sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte ang South Korea sa pagtanggap ng kanilang bansa sa mga produkto ng Pilipinas.