Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Tsino walong taon matapos ang Quirino Grandstand hostage crisis sa Maynila na ikinasawi ng walong (8) mamamayan ng Hong Kong noong August 23, 2010.
Ito ang naging laman ng talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong.
“There has been no official apologies for what happened during that incident… in August 2010. May I address myself to the Chinese people who are here: I apologize.”
“From the bottom of my heart, as the President of the Philippines and on behalf of the Filipino people, may I formally apologize to you now. I guarantee you that this will never happen again.”
Umaasa naman si Pangulong Duterte na manunumbalik ang malalim na relasyon ng Pilipinas at Hong Kong maging ng China.
Matatandaang makailang ulit ng iginiit ng gobyerno ng Hong Kong ang paumanhin mula kay dating Pangulong Noyonoy Aquino subalit hindi ito ginawa ng nakaraang administrasyon na dahilan ng pagkalamat ng relasyon ng Pilipinas at naturang Chinese Special Administrative Region.
—-