Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang palalakasin ang sandatahang lakas ng Pilipinas at pambansang pulisya bago siya bumaba sa puwesto.
Sa kanyang talumpati sa ika – 67 anibersaryo ng First Scout Ranger Regiment sa Bulacan, tiniyak ng Pangulo ang pagbili ng mga bagong armas at lahat ng kakailanganin ng mga sundalo’t pulis sa kanilang mga operasyon.
Binigyang – diin ng Pangulo na nananatili ang banta ng terorismo at anumang oras ay maaari aniyang umatake ang mga ito na dapat paghandaan ng pamahalaan.
Sabi ko, I will not allow a weak military. I will buy all the things that you will need, the tools that you have to use. I am not buying anymore second hands. It’s either I buy new ones, brand new or I’ll just have to wait for the money.
There are countries who are really bent on helping us also, so, in the next few months I will buy you the arms. I need to replace the well power that you have and you will have it.
Samantala, muli ding tiniyak ng Pangulo ang lahat ng tulong para sa pamilya ng mga masasawing sundalo sa pakikipagbakbakan.
Ayon sa Pangulo, sasagutin ng pamahalaan ang pagpapa – aral sa anak ng mga nasawing sundalo.
Do not be afraid to die. All of us will die but take comfort that we in government have prepared for these eventualities. Your family will be protected. Lahat nang na – byuda, mag – umpisa ng giyera, pati pulis. The widows are working but your children will be protected, we will assure you responsibility.