Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naging maganda ang Pasko para sa maraming Pilipino.
Sa disaster briefing sa Lanao del Norte inihayag ni Pangulong Duterte na nalulungkot siya sa sunod – sunod na trahedya sa bansa.
Ito ay kagaya ng pananalasa ng magkasunod na bagyong Urduja at Vinta, at ang sunog sa Davao City na ikinasawi ng 38 katao.
Kabilang na din aksidente sa Agoo, La Union kung saan 20 katao naman ang namatay.
Ayon sa Pangulo tila may pighati at pagdadalamhati ang pagtatapos ngayong taon dahil sa mga nangyaring insidente na ikinasawi ng marami.
Kasunod nito, ipinapanalangin ni Pangulong Duterte ang nawa’y magandang pagpasok ng taong 2018.
Tiniyak naman ng Pangulo na pipilitin niya na agarang maibalik sa normal ang pamumuhay ng maraming apektadong mamamayan