Inaasahan ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga lugar sa lalawigan ng Biliran na matinding nasalanta ng bagyong Urduja.
Dahil dito, bumubo na ng team ang mga lokal na pamahalaan sa Leyte at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para magsagawa ng assessment sa mga pinsalang idinulot ng bagyo.
Ayon kay Biliran Mayor Grace Casil, maglilibot si Pangulong Duterte sa Biliran para tingnan ang mga pinasalang iniwan ng bagyo.
Samantala, nasa 500 pamilya naman ang nananatili pa rin sa tatlumpu’t tatlong (33) mga evacuation center.
‘Yung unang pangunahing ginagawa namin ngayon maihatid po ‘yung pagkain sa mga barangay.
At the same time, ‘yung tubig kahapon okay na, ngayon maganda na ‘yung agos ng tubig namin, pwede na ring mainom.
- Pahayag ni Biliran Mayor Grace Casil
Batay naman sa huling tala ng NDRRMC, nasa dalawampu’t anim (26) na ang nasawi dulot ng bagyong Urduja habang sumampa na sa apatnapu’t anim (46) ang nawawala sa mga landslides at pagbaha.