Idinepensa ng Majority Bloc sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte makaraang aminin nito sa kaniyang talumpati na isa nga siyang diktador.
Ayon kay House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, iba aniya ang kahulugan ng isang diktador na mayruong absolute powers at hindi rin maaaring palitan o patalsikin sa puwesto.
Dahil dito, sinabi ni Fariñas na nagiging diktador lamang ang Pangulo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas alinsunod sa itinatadhana ng saligang batas.
Mahigpit at authoritative aniya ang Pangulo lalo na sa gabinete nito gayundin sa mga ipinatutupad niyang polisiya at programa sa pamahalaan.
Patunay na aniya rito ang pagsibak sa mga miyembro ng kaniyang gabinete na nasasangkot sa katiwalian gayundin ang mga nagmamalabis sa kanilang puwesto.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio