Proud lolo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng kanyang apong si Isabelle Lovelie Duterte sa Senior High School sa Philippine International Convention Center Pasay City kahapon.
Si Isabelle ay anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na present din sa nasabing event.
Sa inilabas na video ng Presidential Communications Operations Office, nakitang niyakap at hinalikan ni Isabelle ang kanyang lolo Digong matapos nitong makuha ang kanyang diploma sa stage.
Naging game naman ang Pangulo sa mga taong nagpapakuha sa kanyang larawan at nag pa selfie.
Kabilang si Isabelle sa mga unang batch ng high school kung saan kumuha ito ng human and social sciences sa San Beda College Alabang.
Naging kontrobersiyal si Isabelle dahil sa magarbo nitong pre-debut pictorial na isinagawa pa sa loob ng palasyo ng Malakanyang.