Ipaaresto at kakasuhan ng sedisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga papalag at kokontra sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay.
Ito ang babala ng Pangulo kasunod na rin ng kanyang pahayag na magdedeklara ng State of Calamity sa nasabing isla.
Sa kanyang talumpati sa founding anniversary ng Tarlac City, sinabi ng Pangulo, na kinakailangan nang makialam ang national government sa problema sa Boracay dahil usapin na ito ng public interest, public health at peace and order.
Kasabay nito, nakiusap din ang Pangulo sa mga korte na huwag makialam sa pamamagitan ng mga pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para harangin ang planong pagpapasara sa Boracay.