Isinama ng Amnesty International si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga ‘worst performing leader’ sa buong mundo.
Sa ikalawang sunod na taon, pasok si Pangulong duterte sa kanilang ‘state of the world’s human rights report’ sa mga lider na hindi maganda ang record pagdating sa pagpapatupad ng karapatang pantao.
Partikular na tinukoy ni Amnesty International Philippines Section Director Jose Noel Olano ang madugong kampanya ng pamahalaan sa giyera kontra droga.
Dagdag pa ni Olano, hanggang sa ngayon ay wala pang isinasagawang makabuhuluhang imbestigasyon sa Pilipinas kaugnay sa war on drugs.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na walang human rights violator ang nagpapakita ng magandang malasakit sa kanyang mga mamamayan.
Giit ni Roque, tanging si Pangulong Duterte lamang ang lider na nagpatigil ng ‘deployment’ ng mga OFW sa mga bansang may mga kaso ng pang- aabuso.
—-