Muling ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong niya ang pagpapakulong sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa ‘illegal recruitment’.
Sa isang pulong balitaan, binigyang diin ng Pangulo na hindi siya mangingiming ipakulong ang mga ito, lalo na ang mga konektado sa Department of Labor and Employment o DOLE, na responsable sa pag-iisyu ng lisensya o permits ng mga recruiter na nanggagantso ng mga Pinoy.
Giit ng Presidente, aatasan niya si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pangunahan ang paghabol sa mga tiwaling labor officials.
Binalaan din ni Pangulong Duterte ang customs at airport officials na masisibak ang mga ito kapag may nabiktima na naman ng tanim-bala at may mga Overseas Filipino Worker o OFW na nabuksan ang bag at nawalan ng gamit sa kanilang nasasakupan.
‘Pag may nagtanim-bala d’yan, I will hold all responsible aviation police, ‘pag may isa pa d’yan alis kayong lahat, papalitan ko kayo.
Not only the specific policeman, all of you there will be relieve. I will place you in Zamboanga, there’s so much entry of terrorist now in the back door, doon kayo ma-immigration. See to it that they do not enter the Philippines, that is your job.