Muling pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga binitawang pahayag laban sa diyos at inaming sinasadya niya iyon.
Sa harap na rin ito ng mga tinatanggap niyang puna at batikos nang tawagin niyang istupido ang diyos na pinalagan naman ng mga kristiyano.
Una rito, idinepensa ng Malakaniyang ang pahayag na iyon ng Pangulo sabay giit na may karapatan ang punong ehekutibo sa kaniyang pananampalataya.
Sa kaniyang naging talumpati sa Zamboanga del Sur kahapon, sinabi ng Pangulo nais lamang umano niyang alamin kung hanggang saan ang kaniyang limitasyon.
Alam mo ang lahat ay nagsasalita about everything that I say they exploit it, Sinasadya ko ‘yan eh. You know why? This country is in doldrums. I am shaking the tree para mabuhay lahat, para makita ko. I am shaking the tree pati mga salita ko bastos and I am trying to go to the boundaries of hanggang saan,”Pahayag ni Pangulong Duterte.
Nilinaw din ng Pangulo na naniniwala naman siyang mayruong diyos dahil tiyak na matagal nang hinigop ng blackhole at sumabog na ang sangkatauhan kung wala nito.
My God is my God, I have a God. He is the universal mind. I picture him as a too powerful na kung wala si God there are trillions and billions of heavenly bodies, kung wala yung Diyos matagal na tayong hinigop ng blackhole o sumabog na tayong lahat. That is how I see God in the universal sense,” Pahayag ni Pangulong Duterte.