Nagpaliwanag ang Malakaniyang hinggil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na paspasan ang pag-aakyat sa Senado ng kasong impeachment laban kay Chief Justice On Leave Ma. Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may karapatan ang Pangulo na direktang atasan ang mga mambabatas ang mga kaalyado nito sa Kamara para gawing prayoridad ang pagtalakay sa nasabing kaso bilang chairman ng ruling party na PDP Laban.
Nag-ugat ang pahayag na ito ng Pangulo sa naging sagot niya sa hamon ni Sereno na patunayang wala ng kinalaman ang Pangulo sa inihaing Quo Warranto Petition ng Solicitor General laban sa kaniya.
Magugunitang idineklara na ng Pangulo na kaaway na niya si Sereno bunsod ng naging pahayag ng punong mahistrado at iginiit na makikiisa na siya sa mga hakbang para mapatalsik ito sa puwesto.