May mahalaga umanong i-a-anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu City kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, ngayong araw.
Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglungsod, natutuwa sila dahil pinaunlakan ni Pangulong Duterte ang kanilang imbitasyon subalit ilang oras lamang itong mananatili sa Cebu.
Pasisinayaan ng Pangulo ang job fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment na mayroong tinatayang 17,000 job offer sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.
Makakasama ng punong ehekutibo ang ilang cabinet member tulad nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Labor Secretary Silvestre Bello.