Pinabubusisi ng Pangulong Rodrigo Duterte kay outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang mga pantalan sa bansa.
Ito ang marching order ng Pangulo hindi pa man nakaka-puwesto bilang Marina Chief si Guerrero.
Binalaan ng Pangulo si Guerrero na puno ng problema ang Marina kaya’t dapat itong solusyunan na isa isa.
Magugunitang sinibak ng Pangulo noong Enero si Marina Administrator Marcial Quirico Amaro III dahil sa madalas umanong pagbibiyahe sa labas ng bansa.
—-