Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagkakatalaga niya kay NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde bilang susunod na pinuno ng pambansang pulisya.
Ayon sa Pangulo, ibinatay niya lamang ang pagpili kay Albayalde sa kaniyang konsensya kung dapat ba o hindi ito italaga sa puwesto.
Giit ng Pangulo, hindi siya nanghihimasok kailanman sa trabaho ng kaniyang mga kapwa opisyal subalit binibilinan niya ito na piliin ang mga taong kanilang pagkakatiwalaan para pag-iwanan ng trabaho.
Binigyang diin pa ng Pangulo na kahit kailan ay hindi niya naging ugali ang pagkakaroon ng paborito sa kaniyang mga subordinates at sa halip ay ipinapasa niya ang desisyon sa mga dapat magpasya rito.