Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na tulungan ang kasalukuyang administrasyon upang labanan ang talamak na korapsyon sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya kakayaning mag-isa ang laban kung hindi makikiisa at susuporta ang publiko.
Hindi aniya magtatagumpay ang anumang uri ng korapsyon kung hindi ito kukunsintihin ng mga mamamayan.
Muling iginiit ni Pangulong Duterte na seryoso ang kanyang administrasyon sa krusada nito kontra katiwalian.
Hiniling din ng Pangulo sa mga Pinoy na huwag matakot isumbong sa kanyang tanggapan o sa Hotline 8888 ang mga tiwali sa gobyerno upang agad itong maaksyunan.