Walang sasantuhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng miyembro ng kaniyang gabinete kahit ito’y matalik pa niyang kaibigan.
Iyan ang binigyang diin ng Pangulo kahapon bago siya tumulak patungo sa Hainan, China para dumalo sa taunang BOAO Business Forum.
Muling binigyang diin ng Pangulo na nagtatapos ang kaniyang pakikipagkaibigan kung interes na aniya ng bayan ang nakataya .
Malinaw din ang kaniyang bilin sa mga miyembro ng kaniyang gabinete na ayaw niya ng katiwalian kaya’t tiyak na gugulong ang mga ulo nito sa sandaling lumutang ang pangalan ng mga ito sa anumang uri ng anomalya.