Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang na ang mga nasa barangay na magsumite ng audit
Ito’y kaugnay sa mga programang ipinatutupad ng kaniyang administrasyon tulad ng paglaban sa iligal na droga, krimen, illegal logging at katiwalian sa kanilang nasasakupan
Sa kaniyang talumpati kahapon sa Zamboanga del Sur kaalinsabay ng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng barangay sa region 9, malinaw aniya ang kanilang mandato na tiyaking nasusunod ang batas na gagarantiya sa kaligtasan at kapakanan ng publiko
I’m suggested to Gen. Año DILG, to make an audit, yung mga Mayor, yung mataas talaga ang crime rate mo pati ang droga because of the frequent encounter, why can’t you not, hindi naman lahat but Most of the local government units seem to be nonchalant, pakialam ko, there is always the illegal logging, there is always the illegal drug, if the high rake of crime rate in your municipality pag ganito wala kayong silbi, I ask you to join me, mag resign na lang tayo.” Pahayag ni Pangulong Duterte
Babala pa ng Pangulo, kakasuhan niya ang sinumang mga opisyal na mabibigong gampanan ng maigi ang kanilang tungkulin para sa bayan
I will file charges against you for incompetence, ayaw kong gawin yan pero you have to defend the country long and short of that, one, you protect the people of the Republic of the Philippines, second, that we must preserve this nation kaya yan ang trabaho ko, trabaho ninyo, trabaho nating lahat. I expect you of course to give your best, mag kakaso kayo in connection sa trabaho ninyo, gaya ng police at militar sagot kita, ako ang bahala. Pahayag ni Pangulong Duterte