Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sasampalin niya si United Nations Rapporteur Agnes Callamard kapag itinuloy nito ang imbestigasyon kaugnay sa extrajudicial killings o EJKs sa bansa na inuugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga.
Sa pagharap kagabi ng Pangulo sa Filipino community sa Vietnam, sinabi niyang hindi siya magdadalawang isip na sampalin si Callamard sa harap ng mga OFW.
Giit ni Pangulong Duterte, mismong si Callamard ang hindi naniniwala sa sariling “research” ng kaniyang organisasyon na walang masamang epekto ang paggamit ng ilegal na droga.
Nauna rito , hinimok din ni Pangulong Duterte ang UN na mgasampa ng reklamo sa ICC o International Criminal Court.
—-